Santo Rosaryo on line

Huwebes, 28 Marso 2024 - Ang mga Misteryo ng Liwanag - San Castore di Tarso ( Letture di oggi )


Nobena sa Mabathalang Awa

UNANG ARAW

“NGAYONG ARAW NA ITO, DALHIN MO SA AKIN ANG LAHAT NG TAO, LALO’T HIGIT ANG MGA MAKASALANAN, at sila’y ilubog sa kagatan ng Aking awa. Sa ganitong pamamaraan ay mabibigyan mo Ako ng kaaliwan sa harap ng matinding kalungkutan na idinudulot sa Akin ng mga kaluluwang hindi nakaliligtas.”

PANALANGIN: Lubhang Maawaing Hesus, na ang hangad ay magkaroon ng tunay at lubhang pagkaawa at magpatawad sa amin, huwag Mong tignan ang aming mga kasalanan kundi ang aming pagtitiwala na aming inilalagay sa Iyong walang hanggang kabutihan. Tanggapin Mo kaming lahat sa Iyong Napakamaawaing Puso, at huwag Mo kaming pabayaang makalayo roon. Aming ipinag-aamo-amo sa Iyo sa pamamagitan ng Iyong pag-ibig na siyang nagbubuklod sa Iyo at sa Iyong Ama at sa Mahal na Espiritu. Walang Hanggang Ama, ilingon Mo sa amin ang Iyong maawaing titig sa lahat ng tao lalo’t higit sa mga makasalanan na nabubuhay sa Napakamaawaing Puso ni Hesus. Alang-alang sa Kanyang tiniis na hirap at kamatayan, ipakita Mo sa amin ang Iyong awa, at nang aming mapuri ang walang hanggang kapangyarihan ng Iyong pagka-awa magpasawalang hanggan. Amen.

Dasalin ang Rosaryo sa Mabathalang Awa