Santo Rosaryo on line

Sabado, 20 Abril 2024 - Ang mga Misteryo ng Tuwa - Beata Chiara Bosatta ( Letture di oggi )

Nobena sa Mabathalang Awa

“Ang Nobena sa Mabathalang Awa na iniutos ni Hesus na aking isulat at gawin bago ng Kapistahan ng Awa. Ito’y magsisimula sa Biyernes Santo.”- Sor Faustina Noong Disyembre ng 1936, nang hilingin ni Hesus na ihanda ni Sor Faustina ang sarili para sa Kapistahan ng Awa sa pamamagitan ng isang nobena, ay itinakda Niya na ang panalangin na kanyang iaalay ay ang Rosaryo sa Mabathalang Awa (Chaplet to the Divine Mercy), na nauna Niyang isiniwalat noong ika 13-14 ng Setyembre, 1935; at kanyang inilakip sa nobena na ito ng mga dalangin ng awa ang pangako: Sa nobena na ito ay ibibigay Ko sa mga kaluluwa ang anumang grasya na kanilang hihilingin(II, 197). Winika ni Hesus kay Sor Faustina na sa loob ng siyam sa araw, dalhin ang mga kaluluwa sa karagatan Kanyang Awa. Sa bawat araw, dalhin sa Kanyang Maawaing Puso ang iba’t ibang grupo ng kaluluwa at ilubog ang mga kaluluwang ito sa karagatan ng Kanyang Awa upang madala Nya sa tahanan ng Kanyang Ama. Sa bawat araw, hingin sa Ama ang mga biyaya para sa mga kaluluwang ito alang-alang sa tiniis na hirap at kamatayan Nya.